Sunday, September 27, 2009

Ugaling Pinoy




Sa ibang bansa: Pag nagkasala ang Pinoy, pinarusahan siya ayon sa batas.

Sa PINAS: Pag nagkasala ang Pinoy, ayaw niyang maparusahan kasi sabi niya mali raw ang batas.

Sa ibang bansa: Pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya pumunta roon, kasi takot siyang magkamali.

Sa PINAS: Pag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya alam na labag sa batas iyon.

Sa ibang bansa: Kahit gaano kataas ang bilihin at tax sa USA okey lang, katuwiran natin doble kayod na lang.

Sa PINAS: mahilig ka sa last day para magbayad ng tax minsan dinadaya mo pa o kaya hindi ka nagbabayad. Rally ka kaagad kapag tumaas ang pasahe at bilihin sa halip na magsipag mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa munisipyo o kahit sa alinmang tanggapan.

Sa Singapore : Kapag nahuli kang nagkalat or nagtapon ng basura sa hindi tamang lugar, magbabayad ka ng 500 Singapore dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang kasi lumabag ako sa batas.

Sa Pinas: Kapag nagkamali ang Pinoy katulad nang ganito, Sabi ng Pinoy, ang lupit naman ni Bayani Fernando , mali naman ang pinaiiral niyang batas eh akala mo kung sino. Ayun nag-rally na ang Pinoy, gustong patalsikin si Bayani Fernando kahit na alam niyang mali siya.

Mga igan, ilan pa lang iyan baka may iba pa kayong alam.

Bakit ang PINOY, pwedeng maging "law abiding citizen sa ibang bansa ng walang angal" pero sa sarili nating bayang PILIPINAS na sinasabi ninyong mahal natin, eh hindi natin magawa, BAKIIITTTTT? ????????


ETO PA, 'Ang Pilipino NOON at NGAYON':
NOON: Wow ang sarap ng kamote
NGAYON: Ayaw ko ng kamote gusto ko French Fries (imported eh)

NOON: Wow ang sarap ng kapeng barako.
NGAYON: Ayaw ko niyan gusto kong kape sa STARBUCKS (imported coffee 100 pesos per cup)

NOON: Bili ka ng tela para magpatahi ng pantalon like maong
NGAYON: Gusto ko LEVI'S, WRANGLER, LEE (Tapos rally tayo 'GMA tuta ng KANO ') Di ba tuta ka rin naman.

NOON: Sabon na Perla OK ng pampaligo
NGAYON: Gusto mo DOVE, HENO DE PRAVIA, IVORY, etc. may matching shampoo pa

NOON: Pag naglaba ka sa batya at palopalo, ok na, minsan banlaw lang sa batis pwede na
NGAYON: Naka-washing machine ka na plus ARIEL powder soap with matching DOWNY pa para mabango. Alam ko mas marami pa ang alam ninyo tungkol dito, pero mangilan-ngilan lang iyan para bigyan ng pansin.

No comments:

Post a Comment