Monday, September 14, 2009

Words of Wisdom ni Doreamon




I remember highschool yata ako nung pinalabas ang Doreamon,. kala ko noon ginaya lng nila ung Mojacko kc parang mgkahawig c mojacko and doreamon, paborito ko rin kcng panoorin noon c mojacko kc sobrang cute nya. Nung matapos nga cya medyo na sad ako but i did't expect na ung kapalit nyang show is more interesting pala and inanalyze mong mabuti ung mga sinasabi nila lalo na si doreamon ay may kapupulutan kng aral. "Ang Mahiwagang Mensahe"! Ang ang pinaka paborito kong line ni doreamon and up to now eh yan pa din ang message alert tone ng cellphone ko.


Wag ka ng mag-isip at bigyan ng dahilan ang isip mo para isipin siya. Masaya ang buhay kaya mabuhay ka ng masaya.


"Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay dapat mo nang gawin."

"Mahirap maging matanda. Wala nang mas matanda na titingin sa'yo."


"Huwag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay."


"Hindi mo dapat iyakan ang nakaraan. Isipin mo, bakit nasa harap ang mata? Ito ay para lagi mong nakikita ang hinaharap."


Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala!


Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal.

No comments:

Post a Comment