As I continue my journey, maraming bagay akong natutuhan, maraming tao rin akong nakikilala at nagiging kaibigan. Napag alaman at natutuhan ko na my mga tao palang "mabait pero hindi mabuti". Minsan akala natin pag mabait ang isang tao sa atin okay na siyang kasama, pero sa totoo lang makilala mo talaga ang isang tao pag matagal mo siyang nakakasama. Sometimes dahil sa mabait ang isang tao sa atin, ibinibigay natin ang tiwala sa kanya, pero INGAT LANG dahil gaya nga ng sabi ko may taong mabait pero hindi mabuti. Minsan kung sino pa ang taong akalang mong mapagkakatiwalaan mo siya pala mismo ang maglalaglag sayo.
Sa aking paglalayag my mga nameet akong tao na sobrang maliit na bagay lang eh ginagawa pang kasinungalingan. Un bang pwede mo naman sabihin sa tao pero gumagamit kapa nang ibang pangalan para lang mailigtas ang sarili mo. Maiintindihan ko pa sana kung malaking ang reason para magsinungaling ka pero sobrang nakakainis na malalaman mo bandang huli na sobrang liit lang para gawing mo pang kasinungalingan. Pano kaya kung hiniling ko na sana eh mag disappear na lahat ng mga taong sinungaling sa mundo?! Im sure walang taong matitira sa mundo, Including me kasali! Hahahahhaha!
Ung pagsisinungaling because of a big and valid reason un eh understandable pa pero ung pagla lie because of small things un ung nakakabuysit! For me un ung mga taong tinatawag na sobrang sinungaling! Kaw tatanungin kita, for example mabait sayo ang isang tao pero maliit na bagay eh ginagawa nyang kasinungalingan sayo, matatawag mo bang mabait un? Mabait nga pero hindi naman mabuti ang ginagawa! Hay,. Tao nga naman, bahala si God sa kanila kasi ako alam ko at naniniwala ako na totoo ang "KARMA". Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo mabuti man un or masama, babalik at babalik sayo sa panahon na hindi mo iniexpect at namamalayan na un pala un, and worst thing is kung ang balik ng karma eh hindi sayo mismo kundi sa taong pinakamamahal mo.
No comments:
Post a Comment